About my Blog

But I must explain to you how all this mistaken idea of denouncing pleasure and praising pain was born and I will give you a complete account of the system, and expound the actual teachings of the great explorer of the truth, the master-builder of human happiness. No one rejects, dislikes, or avoids pleasure itself, because it is pleasure, but because those who do not know how to pursue pleasure rationally encounter consequences that are extremely painful. Nor again is there anyone who loves or pursues or desires to obtain pain

Thursday, June 03, 2010

Fumi-FLING lang!

Hindi ko naman sinasabing napaka bihasa ko pagdating sa pinilakang-tabing, ngunit sa dami na din ng pinapanood kong pelikula --- mapa-banyaga or lokal, masasabi ko din naman na may alam ko sa kagandahan (o kapangitan) ng isang pelikulang aking pinapanood.


Tandaan na aking babanggitin sa blog na ito at tanging opinion ko lang lamang at wala akong minamasamang tao, pagkakataon o pangyayari sa pagsulat ng “blog” na ito.


Kamakailan at naimbitihan akong manood ng isang indie film sa Megamall. Ang manunulat kasi ay kaibigan ni ‘Hal at di dito na nagsimula ang humigit kumulang na dalawang oras na pangkukutya, panlalait, at pagtawa sa pelikulang pinamagatang “FLING.” Dagdagan pa natin ng mga taong parang ngayon lang naka pasok sa sinehan at namistulang sala nila ang sinehan sa Megamall. Tama daw bang mahiyawan, palakpakan at magwala sa ibang eksena. Ang tanong ko ay saan? Ano? At BAKEEEET?


Pasing-tabi muli sa mga taong pinagaksayahan ng panahon ang pelikulang ito pero magbibigay lang ako ng nararapat na opinion sa mga bagay-bagay ukol dito.


Kung tutuusin maganda sana ang pagkakasulat ng pelikula – makabago at maganda ang mga “one-liner” na hirit ng mga karakter. Sa katunayan ito ay hango sa isang nalathalang storya ng manunulat. Kaso sablay ang mga artista, di kagandahan ang direction, at panget ang cinematograpiya. Hindi ko lubos maisip ang mga zoom-in sa mga mata, pag-highlight ng naliligong artista at ang “washed-out” flashback chuchu. May isa tuloy eksenang nagmukhang niletchon na baka sa Lance Raymundo sa pagka-high contrast ng dating. Nakakaloka! At ang mga outfit ‘teh, bumu-boots lang! Boots kung boots at pechay shorts! HAHAHA!


ANG MGA KARAKTER


Ang “Fling” ay pinagbidahan ni Lara Morena, Rafael Rosel at isang Jacq Yu something ata yun. Di ko na matandaan. Magaling sana yung Jacq, natural umarte pero mahina pa sa timing. May mga nahuhuling pagkakataon na tumitingin sa kamera. At ang mga damit… ang mga damit ‘teh! Hindi ko alam kung galing sa Korea or Japan ang stylist ng pelikulang ito pero ang magagandang damit lang sa palabas na ito ay yung asa Boracay sila na halos hubo’t hubad na ang mga artista. Maganda ang katawan ni Rafael Rosel. Yun lang ang masasabi ko! Maganda ang katawan nya! Hayaan na lang natin na mag-modelo siya at yun naman talaga ng pinaka pam-bato nya sa tao. Si Lara Morena, hayyyy Lara Morena! Hindi ko na maalala ang huling pelikulang ginawa nya bago ang “Fling” pero sigurado akong kalianman ay hindi na ako manonood ng pelikulang pinagtatampukan nya, kahit pa ang tanging papel nya dito ay isang extra. Hindi ko naman mawari kung paano siya binigyan ng isang role na isang sumikat na International Model na sosyalera at ingglisera. ‘Teh narinig mo na ba siya mag-english? Kung hindi pa, magpasalamat ka na lang dahil ako narinig ko siya at hindi lang ilong ko ang dumugo, pati mata, tenga, ari, balakang, kuko, buhok at kung anu-ano pang parte ng katawan. Masakit ‘teh. Napakasakit na maranasan ko sa buhay ang pakinggan siyang mag-english. Ang haba ng opening speech nya ‘teh --- producer kasi kaya ayun! Talk-a-thon si Ateh! At pagdating naman sa pag-arte, siguro ay may dating ang lola mo sa ibang pelikulang nagawa nya da dati (di ko din alam kasi di ko naman talaga siya pinapanood) pero sablay siya dito sa “Fling.” UTANG NA LOOB! Siya na ang bagong Reyna ng Jejemons! Siya na ‘teh! Siya na!


Mas natuwa pa ako sa pagarte ni Matet De Leon at Kathleen Hermosa dito. Kahit ang gumanap na magulang at kapatid ni Jacq ay masasabi kong OK. Hindi din katanggap-tanggap ang ibang alipores dito. Yung beckying kaibigan ni Jacq dito ay pilit na pilit magpatawa at umarte. Mas magaling pa ata ang mga kilala kong Stand-up Comedian o parlorista sa may amin. Pag napanood mo siya dudugo din ang lahat ng parte ng katawan mo sa inis.


Sumatutal, kung gusto mong magaksya ng pera’t panahon at gusto mo lang mayamot sa buhay, i-re-recommend ko ang pelikulang ito. Kung type mo din makita ang katawan lagi ni Rafael, ni Lara or ni Jacq pwede mo din itong pag tiyagaan. Asa sa iyo na yun! Basta ito, opinion ko lang!


BOW!



**Disclaimer: May freedom of speech ako 'teh kaya tabi-tabi po! Ang masaktan sana 'wag ako i-habla! LOL"***
Love letters and idealisms by Noel Abelardo
Powered By Blogger